COVID-19 cases sa Parañaque City, bahagyang bumaba

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na bumababa ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Parañaque.

Batay sa datos ng Parañaque City Health Office, may 75 aktibong kaso silang naitala sa lungsod kahapon, Mayo 23 na mas mabababa ng 21 aktibong kaso kumpara sa 96 na naitala noong Mayo 22.

Nasa anim na barangay naman ang tinututukan ngayon matapos makapagtala ng pagtaas ng kaso partikular na sa Baclaran, Don Galo, San Dionisio, San Isidro, Tambo at Vitalez.

Nananatili naman sa walong barangay sa lungsod ang nakapagtatala ng aktibong kaso partikular na sa BF Homes, Don Bosco, Marcelo Green, Merville, Moonwalk, San Antonio, San Martin De Porres at Sun Valley.

Sa kabila ng pagbaba ng kaso sa lungsod, mahigpit pa rin ang paalala ng pamahalaang lungsod sa mga residente na sumunod sa minimum public health protocols para maiwasan ang pagkalat ng sakit. Hinikayat din niya ang lahat, lalo na ang may mga comorbidities at senior citizens, na magpabakuna at magpa-booster shot para sa karagdagang proteksiyon laban sa COVID-19. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us