Kung si Deputy Majority Leader Alfred delos Santos ang tatanungin, dapat ay panatilihing libre ang COVID-19 vaccine.
Aniya, dapat ay libre pa rin ang primary at booster shot ng bakuna kontra COVID kahit pa hindi na itinuturing na global public health emergency ang COVID.
Sibsidized naman kasi aniya ang acquisition at storage costs ng mga bakuna.
Kasabay nito ay hinimok ng kinatawan ang Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na lalo pang paigtingin ang pagbabakuna lalo na sa mga lugar na nananatili sa Alert Level 2.
Malaking patunay aniya na epektibo ang bakuna dahil sa nakalipas na dalawang buwan ay wala nang naitalang nasawi dahil sa sakit.
Ito ay kahit pa nagkaroon ng pagtaas sa bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
“…Since last March 6, no one in our country has died of COVID-19, according to the weekly bulletins of the Department of Health. To me, zero COVID deaths for over two months means the country is indeed exiting from the COVID pandemic and it also indicates the population immunity resulting from the vaccination campaign has worked,” ani Delos Santos. | ulat ni Kathleen Jean Forbes