Makati LGU, nagsasagawa ng Anti-Dengue Cleanup Drive

Nagsasagawa ng Anti- Dengue Cleanup Drive ang lokal na pamahalaan ng Makati. Kabilang sa inikutan ang buong barangay ng Tejeros. Sinuyod ang mga kanal, bubong, iskinita, at mga lugar na posibleng pinamumugaran ng lamok. Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, layon ng cleanup drive na mapigilan ang pagdami ng lamok. Sinabi naman ni Olan,… Continue reading Makati LGU, nagsasagawa ng Anti-Dengue Cleanup Drive

NIA, target patubigan ang higit 146,000 ektarya ng sakahan sa Nueva Ecija sa papalapit na wet cropping season

Kumpiyansa ang National Irrigation Administration (NIA) na mabibigyan nito ng sapat na irigasyon ang mga sakahan sa Nueva Ecija ngayong paparating na wet cropping season. Partikular na nakatutok na rito ang NIA-Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems (NIA-UPRIIS) na siyang nagbabantay sa Pantabangan Dam Reservoir. Ayon sa NIA, walang dapat na ipag-alala ang mga magsasaka… Continue reading NIA, target patubigan ang higit 146,000 ektarya ng sakahan sa Nueva Ecija sa papalapit na wet cropping season

ilang vendor sa Mega Q-Mart, handang sumunod sa inirekomendang SRP sa sibuyas kung bababa ang puhunan nito

Bukas ang ilang nagtitinda ng gulay sa Mega Q-Mart na sumunod sa inirekomendang suggested retail price sa sibuyas kung bababa ang puhunan nito. Ngayong linggo, target ng Department of Agriculture (DA) na maipatupad ang ₱140/kg na SRP sa puting sibuyas at P₱150/kg sa pulang sibuyas. Ito ay kasunod ng commitment na ibababa na rin ang… Continue reading ilang vendor sa Mega Q-Mart, handang sumunod sa inirekomendang SRP sa sibuyas kung bababa ang puhunan nito

Sen. Joel Villanueva, nagpositibo muli sa COVID-19

Sa ikatlong pagkakataon, muling nagpositibo sa COVID-19 si Senate Majority Leader Joel Villanueva. Sa isang pahayag, sinabi ni Villanueva na nagsimulang sumama ang pakiramdam niya noong Huwebes pero inakala niyang epekto lang ito ng kanyang knee injury. Nang makaramdam aniya siya ng fever-like symptom ay nag-antigen test na siya at lumabas na positibo siya sa… Continue reading Sen. Joel Villanueva, nagpositibo muli sa COVID-19

COVID-19 vaccine, dapat panatilihing libre

Kung si Deputy Majority Leader Alfred delos Santos ang tatanungin, dapat ay panatilihing libre ang COVID-19 vaccine. Aniya, dapat ay libre pa rin ang primary at booster shot ng bakuna kontra COVID kahit pa hindi na itinuturing na global public health emergency ang COVID. Sibsidized naman kasi aniya ang acquisition at storage costs ng mga… Continue reading COVID-19 vaccine, dapat panatilihing libre

Pagpapalawig sa charter ng National Housing Authority, ipinapanukala

Inihain ngayon sa Kamara ang panukalang batas para palawigin ang charter ng National Housing Authority (NHA). Sa ilalim ng House Bill 8156 na inihain ni House Speaker Martin Romualdez at Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos, aamyendahan ang Presidential Decree 757 na siyang bumuo sa NHA. Dito ay itinutulak na gawing perpetual o panghabang-buhay ang… Continue reading Pagpapalawig sa charter ng National Housing Authority, ipinapanukala

Ugnayan ng US National Guard at Philippine Army, palalakasin

Nagpahayag ng pagnanais ang United States National Guard Bureau na mapalawak ang “engagement” sa Philippine Army para mapahusay ang humanitarian response ng dalawang bansa sa mga natural na kalamidad at emergency. Ito ang inihayag ni US National Guard Bureau Chief General Daniel Robert Hokanson kay Philippine Army Chief of Staff Major General Potenciano Camba, sa… Continue reading Ugnayan ng US National Guard at Philippine Army, palalakasin

NWRB pinaghahandaan na ang contigency plan sa posibleng pagpasok ng el niño sa ating bansa

Pinaghahandaan na ng National Water Resources Board ang magiging contegency plan ng ating bansa sa posibleng pagpasok ng El Niño phenomenon na magkakaroon ng supisyenteng supply ng tubig sa ating bansa Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, whole of government approach na ang kanilang ginagawang hakbang upang mapangalagaan ang seguridad sa supply ng tubig… Continue reading NWRB pinaghahandaan na ang contigency plan sa posibleng pagpasok ng el niño sa ating bansa

DOT, naglunsad ng regional “Bisita Be My Guest” program sa SOCCKSARGEN region

Naglunsad ang Department of Tourism (DOT) ng “Bisita Be My Guest” program sa SOCCKSARGEN region upang magkaroon ng domestic promotion ang ating bansa sa pagpapakilala ng mga ipinagmamalaking tourism sites sa ating bansa. Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, layon ng paglulunsad ng region wide “Bisita Be My Guest” program na ipromote ang tourism sites… Continue reading DOT, naglunsad ng regional “Bisita Be My Guest” program sa SOCCKSARGEN region

Deputy Speaker Recto, kumpiyansang mas tatatag pa ang institusyon ng House of Representatives matapos ang kinaharap nitong isyu

Naniniwala si Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto na lilipas din ang aniya’y ‘political tampuhan’ sa Kamara. Kasunod ito nang nangyaring rigodon sa House leadership kung saan ibinaba Deputy Speaker si dating Pang. Gloria Macapagal Arroyo mula sa dating pagiging Senior Deputy Speaker, dahil sa napaulat na ‘coup’ laban kay House Speaker Martin Romualdez,… Continue reading Deputy Speaker Recto, kumpiyansang mas tatatag pa ang institusyon ng House of Representatives matapos ang kinaharap nitong isyu