Makati LGU, nagsasagawa ng Anti-Dengue Cleanup Drive

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsasagawa ng Anti- Dengue Cleanup Drive ang lokal na pamahalaan ng Makati.

Kabilang sa inikutan ang buong barangay ng Tejeros.

Sinuyod ang mga kanal, bubong, iskinita, at mga lugar na posibleng pinamumugaran ng lamok.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, layon ng cleanup drive na mapigilan ang pagdami ng lamok.

Sinabi naman ni Olan, Bantay Bayan ng Brgy. Tejeros na naging pahirapan ang isinagawa nilang paglilinis dahil sa dami ng kalat.

Payo niya sa mga ka-barangay na maging masinop sa kalat para makaiwas sa iba’t ibang uri ng sakit. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us