DOT, naglunsad ng regional “Bisita Be My Guest” program sa SOCCKSARGEN region

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglunsad ang Department of Tourism (DOT) ng “Bisita Be My Guest” program sa SOCCKSARGEN region upang magkaroon ng domestic promotion ang ating bansa sa pagpapakilala ng mga ipinagmamalaking tourism sites sa ating bansa.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, layon ng paglulunsad ng region wide “Bisita Be My Guest” program na ipromote ang tourism sites na hindi pa gaanong nakikilala sa international tourist na tumutungo sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Frasco na isa ang naturang rehiyon sa hindi pa gaanong nakikilala sa kanilang mga tourism spots kaya dito nila naisipan na ilunsad ang programa ng ahensya.

Samantala, nagpapasalamat naman ang local officials sa SOCCKSARGEN sa programang hatid ng DOT na maipakilala sa international market ang kanilang rehiyon. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us