Patuloy na pinag-iingat ng Quezon City local government ang mga residente nito sa banta ng COVID-19.
Ito ay sa gitna ng nananatiling mataas na COVID cases sa lungsod na umakyat pa sa 181 daily average cases sa ngayon.
Ayon sa OCTA Research, 37% ang itinaas ng bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod ngayong linggo.
Umakyat din ang positivity rate sa lungsod sa 28% mula sa dating 23.5%.
Sa kabila nito, bahagyang bumaba naman sa 1.54 ang reproduction number o bilis ng hawaan sa QC.
Nananatili rin sa low risk level ang Quezon City.
Una nang nanawagan ang Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) sa mga residente ng lungsod na agad makipag-ugnayan sa kanila kung may nararanasang anumang sintomas ng COVID-19 o naging close contact ng isang COVID patient. | ulat ni Merry Ann Bastasa