DA, naghahanda na sa posibleng epekto ng bagyong ‘Mawar’ sa agri sector

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inalerto na ng Department of Agriculture ang mga magsasaka at mangingisda sa banta ng bagyong Mawar na inaasahang papasok sa bansa sa Biyernes o Sabado.

Ayon sa DA, nakalatag na ang mga paghahanda nito at nakikipag-ugnayan na rin sa PAGASA kaugnay sa galaw ng bagyo.

Regular din aniya itong nagpapalabas ng bulletin para maabisuhan ang kanilang mga regional office sa posibleng tamaan ng bagyo.

Kaugnay nito, nanawagan naman si DA Deputy Spokesperson Assistant Secretary Rex Estoperez sa mga magsasaka at pati na sa mga mangingisda na regular na umantabay sa mga weather updates at abiso ng kanilang lokal na pamahalaan.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: DA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us