Dating chief of police ng San Pedro, Laguna, natagpuang patay sa loob ng condo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natagpuang patay ang dating Chief of Police ng San Pedro, Laguna sa loob ng kanyang tinutuluyang condo sa Biñan, Laguna ngayong umaga.

Kinilala ng Biñan City Police Station ang biktima na si Police Lt. Col. Ben Isidore Aclan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, narinig umano ng personal security ng opisyal na si Police Cpl. Japer Aaron Mercado, ang putok ng baril mula sa kwarto ng kanyang amo sa Holland Park Condominium kaninang 8:30 ng umaga.

Agad umanong rumesponde si PCpl. Mercado, at pagdating niya sa kwarto na pinanggalingan ng putok ay nakita niyang nakahandusay na si Lt. Col. Aclan.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us