Deputy Speaker Recto, kumpiyansang mas tatatag pa ang institusyon ng House of Representatives matapos ang kinaharap nitong isyu

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto na lilipas din ang aniya’y ‘political tampuhan’ sa Kamara.

Kasunod ito nang nangyaring rigodon sa House leadership kung saan ibinaba Deputy Speaker si dating Pang. Gloria Macapagal Arroyo mula sa dating pagiging Senior Deputy Speaker, dahil sa napaulat na ‘coup’ laban kay House Speaker Martin Romualdez, bagay na una nang itinanggi ng dating pangulo.

Ani Recto, ano mang miscommunication o issue na pinalaki na lamang ay hindi aniya magagawang mabuwag ang alyansa sa pagitan ng mga mambabatas na may iisang vision o hangarin para sa bansa.

Tiwala rin ang mambabatas na kapag humupa na ito ay mas lalong titibay ang relasyon at pagtutulungan sa pagitan ng dalawang kongresista.

“This “political tampuhan” shall pass. This is a tempest in a teacup that will not wash away a strong alliance between close partners who share a common vision of a prosperous and peaceful country. The fog of miscommunication will soon clear, the vow of cooperation will be renewed and attempts to drive a wedge between them shall have failed.” saad ni Recto sa isang statement.

Tinukoy pa ni Recto na malaki ang naging papel ni Romualdez at ni Arroyo sa pagtulong sa Marcos Jr. administration.

Sa dami aniya ng problema ng bansa na kailangan tugunan at solusyunan ay hindi na pag-uukulan pa ng pansin ng Kongreso ang mga intriga.

“The presidency has been served well by this working partnership, two House leaders pooling their expertise and experience in providing valuable counsel to the leader of the land. This tandem is instrumental in the House’s prodigious output of bills, and the vigilant exercise of its oversight powers.” dagdag ng Batangas solon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

#RP1News

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us