Nagpapatuloy pa rin ang regular disinfection sa lahat ng mga tren ng MRT-3.
Ito ang tiniyak ng pamunuan ng MRT-3 bilang bahagi ng health at safety protocol sa linya lalo ngayong tumataas na naman ang COVID cases sa ilang mga lugar kasama ang Metro Manila.
Ayon sa MRT-3 management, dalawang beses na dini-disinfect ang mga tren sa bawat pagdating ng mga ito sa dulong mga istasyon ng North Avenue at Taft Avenue.
Kaugnay nito, regular din aniyang nililinis ng mga sanitation at disinfection team na mula sa maintenance provider ng MRT-3 ang iba pang mga pasilidad at kagamitan sa lahat ng mga istasyon.
Kabilang rito ang ticketing counters, ticket vending machines, elevators, at escalators, upang masiguro ang ligtas at komportableng pagbiyahe ng mga pasahero.
Una nang nilinaw ng pamunuan ng tren na nagpapatuloy pa rin ang mahigpit na pagpapatupad nito ng face mask policy sa mga pasahero sa lahat ng 13 istasyon at mga tren ng linya. | ulat ni Merry Ann Bastasa