DOE, bubuo ng special task force para reviewhin ang pag-aaral ng nuclear energy bilang tugon sa kakulangan ng supply ng enerhiya sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang bumuo ng Special Task force ang Department of Energy (DOE) para reviewhin ang mga pag-aaral sa Nuclear Energy para tumugon sa karagdagang supply ng enerhiya sa bansa.

Ayon kay DOE Undersecretary Alessandro Sales na bukas ang kanilang kagawaran sa ideya na muling isama ang nuclear energy na mapagkunan ng enerhiya dahil aniya, malaki ang maitutulong nito sa ating bansa dahil isa ito sa mas reliable na renewable energy source sa ating bansa.

Dagdag pa ni Sales na kinakailangan nang bumubuo ng regulatory framework ang Pilipinas para sa pg gamit ng naturang energy source.

Kaugnay nito, target ng Marcos administration na magkaroon ng micro nuclear fuel technology sa ating bansa upang maging tugon sa kakapusan ng supply ng enerhiya sa ating bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us