Pinapurihan ng Department of Energy (DOE) ang Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation sa maayos na pagbenenta at pagsasapribado ng Casecnan Hydropower Plant sa Muñoz, Nueva Ejica.
Ito’y dahil sa pag-aaward sa kumpanyang Fresh River Lakes Corporation ang naturang hydro plant na nagkakahalaga ng $526-million dollars upang maisapribado na ang naturang operasyon na nasa 165 megawatt hydropower plant.
Ayon kay DOE Secretary Raphael Lotilla, isa itong patunay na patuloy na tinutuguban ng kagawaran ng enerhiya ang pagkakaroon ng mas supisyenteng supply ng enerhiya sa bansa katuwang ng private sector para sa pag ooperate ng mga power plants sa bansa.
Ang Casecnan Hydropower Plant ay isang river type hydro power plant na 60 percent na pagmamay-ari ng National Irrigation Administration (NIA) habang 40 percent naman ang pagmamay-ari ng PSALM. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio