Hinihimok ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na samantalahin ang libreng bakuna kontra sa Polio, Rubella, at Tigdas.
Sa ngayon sinimulan na ang Registration sa Brgy. 183 Villamor, Pasay para sa ChikitingLigtas bakunahan ng DOH.
Ayon kay Cerissa Marie Caringal Nip, medical coordinator ng
DOH, kabilang sa mga babakunahan ang edad 9-59 months para sa Measels-Rubella vaccine at new born to 59-months para sa
Bivalent Oral Polio vaccine.
Nasa 40 bata ang inaasahang makikibahagi sa DOH Supplemental Immunization Activity Kick-Off ngayong araw sa Pasay. | ulat ni Don King Zarate