DOH Supplemental Immunization Kick-Off, umarangkada na sa Pasay City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula na ang DOH Supplemental Immunization Activity Kick-Off sa Brgy. 183 Villamor, Pasay City.

Aabot sa 40 mga bata ang nakibahagi sa Chikiting Ligtas na layong protektahan ang mga bata laban sa Polio, Rubella, at Tigdas.

Ayon kay Cerissa Marie Caringal, Medical Coordinator ng DOH, subok na epektibo ang mga bakuna at ito ay sinang-ayunan naman ng mga magulang.

Samantala, kabilang sa edad na maaring bakunahan ay 9 months-59 months para sa Measels-Rubella Vaccine habang new born to 59 months para sa Bivalent Oral Polio Vaccine.

Sinabi ng DOH na ayos lang kahit madoble ang bakuna dahil magsisilbi pa itong booster shots na magbibigay ng dagdag proteksyon. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us