DOTr, inatasan ang railway operators na higpitan ang facemask mandate dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga railway operator na maghigpit sa pagpapatupad ng facemask mandate.

Ito ay makaraang iulat kamakailan ng Department of Health (DOH) ang muling pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, pinaalalahanan nito ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT), at Philippine National Railways (PNR) na tiyaking nakasuot ang facemask ng mga pasahero sa lahat ng oras.

Sakaling makaranas ng sintomas ng COVID-19 ang mga opisyal, kawani at mga tauhan ng rail sector, inatasan ni Aquino ang mga ito na agad sumailalim sa testing.

Mahigpit ding binilinan ng DOTr ang publiko, na iwasan ang pakikipag-usap sa kapwa pasahero o pagsagot sa tawag sa cellphone habang nasa tren upang maiwasan ang pagkalat ng virus. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us