DSWD Field Offices, inalerto na ni Sec. Gatchalian kaugnay sa paparating na bagyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inalerto na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga Field Office ng ahensya kaugnay sa pagpasok ng isang bagyo.

Inatasan ng kalihim ang mga ito, na maglatag na ng karagdagang family food packs at iba pang relief supplies sa mga lugar na posibleng daanan ng sama ng panahon.

Bilang tugon sa direktiba ni Secretary Gatchalian, naglagay na ng 16,355 family food packs ang DSWD Field Office Cordillera Administrative Region sa mga lalawigan ng Abra at Apayao.

Sa Rehiyon I (Ilocos Region), ininspeksyon na rin ng DSWD Field Office ang mga regional at satellite warehouses nito upang matiyak na may sapat na relief goods ito.

Maging ang DSWD FO 7 (Western Visayas) ay pinaghahandaan na rin ang anumang posibleng epekto ng bagyo.

Pagtiyak pa ng DSWD, na may sapat pang stockpile ng family food packs sa iba’t ibang regional offices nito na magagamit sa disaster response Centers. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us