DSWD, tiniyak na nasa mabuting pangangalaga ang mga batang inilipat mula sa Gentle Hands

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Association of Child Caring Agencies of the Philippines (ACCAP) at Commission on Human Rights na nasa mabuting pangangalaga ang mga batang pansamantalang inilipat mula sa ipinasarang Gentle Hands Inc. (GHI) orphanage sa Quezon City.

Pahayag ito ng ahensya matapos na magpadala ng liham ang ACCAP na humihiling ng transparency sa kaso ng GHI at ang pagtutok rin ng CHR sa kaso at sitwasyon ng mga bata.

Ayon sa DSWD, kasalukuyang nasa kalinga ng tatlong child care facilities ang mga kabataan kabilang ang Elsie Gaches Village sa Alabang, Muntinlupa City; Nayon ng Kabataan sa Mandaluyong City, at Reception and Study Center for Children na nasa lungsod Quezon.

Sinabi rin ni DSWD spokesperson Asec. Romel Lopez na binubuhos ng kanilang mga social worker ang lahat ng kanilang makakaya para makapaghatid ng “extra loving care” sa mga bata lalo at batid nila na posibleng nakararanas ngayon ang mga ito ng trauma.

Mayroon din aniyang child psychologists na naka-monitor sa lagay ng mga bata upang masigurong maayos ang kanilang sitwasyon at sila ay ‘physically at mentally healthy,”

Kasunod nito, nagpasalamat naman ang DSWD sa ACCAP at CHR sa pagpapaalala sa kagawaran ng kanilang responsibilidad upang masigurong napapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga bata mula sa GHI. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us