Binigyang-diin ng Department of Transportation na napapanahon nang bigyan ng prayoridad ang pedestrians sa usapin ng mobility.
Sa paggunita sa Road Safety Month, ibinida ng DOTr ang konsepto ng “EDSA Greenways Project” para sa most vulnerable road users.
Layon ng proyekto na gawing ligtas, komportable at magbigay ng accessible network sa mga pedestrian habang isinusulong ang green at sustainable mobility modes.
Sa ilalim ng EDSA Greenways Project, magtatayo ng elevated walkways na target tapusin sa taong 2027 upang magkaroon ng malusog na lifestyle ang commuters.
Ang Phase 1 ng proyekto ay tututok sa apat na istasyon na kinabibilangan ng Balintawak, Cubao, Guadalupe at Taft station.
Ikokonekta naman ang elevated walkways sa major destinations at transport hubs. | ulat ni Hajji Kaamiño
📷:DOTr