Hindi pa rin pinapayagan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pangingisda sa ilang bahagi ng karagatan na naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Batay sa pinakahuling bulletin na inilabas ng BFAR, inirerekomenda pa rin nito ang tuloy-tuloy na fishing ban sa Calapan at Naujan, Pola at Bansud, Gloria, at Pinamalayan.
Paliwanag ng BFAR, nananatili pa rin ang panganib ng kontaminasyon mula sa mga bakas ng langis na hindi pa naalis sa lugar.
Batay din sa huling pagsusuri, nasa acceptable standards na rin para sa fishing activities ang karagatan ng Bongabong, Bulalacao, Mansalay, Roxas, Baco, Puerto Galera, at San Teodoro.
Sa kasalukuyan, pinapayagan ng provincial government ng Oriental Mindoro ang mga mangingisda ng Calapan at Naujan na mangisda sa municipal waters ng Baco, Puerto Galera, at San Teodoro. | ulat ni Rey Ferrer