Full implementation ng Single Ticketing System sa NCR, target maipatupad ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa ang Metro Manila Council na maipatutupad na sa buong National Capital Region ang Single Ticketing System sa lalong madaling panahon

Ito ang inihayag ni Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora kasabay ng pagsisimula ng dry-run ng nasabing panuntunan kahapon.

Ayon kay Zamora, nakapagpasa na ng mga ordinansa ang iba pang lugar sa NCR at nasa transition na sila ng pagkonekta sa central Internet Protocol o IP ng Land Transportation Office o LTO.

Aminado si Zamora na may katagalan ito lalo’t mangangailangan din iyon ng pagpapalit ng mga bagong kagamitan na pasok sa pamantayan ng sistema.

Subalit tiniyak ni Zamora na tatagal lamang ng dalawang linggo ang pagpapatupad ng dry-run ng Single Ticketing System at ito’y ganap nang maipatutupad sa buong NCR. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us