Dapat raw maayos na makipag-ugnayan sa Quezon City Local Government ang mga ahensya ng pamahalaan bago magpatupad ng infrastructure projects sa Quezon City.
Nilalayon nito na maiwasan ang anumang pag-aaksaya ng pondo ng publiko at abala sa mga taga Quezon City.
Naglabas ng pahayag si Mayor Joy Belmonte, matapos makatanggap ng mga reklamo tungkol sa hindi maayos na pakikipag-ugnayan ng ilang tanggapan ng pamahalaan sa city government tungkol sa kanilang mga proyekto.
Malinaw ang sinasabi ng ordinansa ng lungsod na nag-oobliga sa lahat ng ahensya ng gobyerno, opisina, at korporasyon ng gobyerno na makipag-ugnayan muna sa city government hinggil sa mga ipapatutupad na infrastructure project sa loob ng Quezon City.
Nagbanta ang city government, na pagmultahin ang sinumang mabigo na makipag-ugnayan para sa kanilang infrastructure projects. | ulat ni Rey Ferrer