Inaprubahan ng House Committee on Welfare of Children ang panukala para palakasin ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act o RA 7610.
Layunin ng apat na panukala na pinag-isa na magpataw ng mas mabigat na parusa kontra child abuse dahil patuloy umanong mataas ang bilang ng mga kaso nito sa bansa.
Pinakamabigat dito ay ang habambuhay na pagkakakulong.
Suportado naman ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngunit humiling din na mabigyan ng sapat na pondo ang mga local council para sa proteksyon ng mga bata.
Batay sa Child Protection Data, mula January 1 hanggang April 30 ngayong taon ay nakapagtala ng 3,129 kaso ng pang-aabuso sa mga kabataan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes