Halos 40,000 mga bata target mabakunahan vs. Polio at tigas sa Pasay City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ng Pasay LGU ang mga residente na pabakunahan kontra sa Polio, Rubella, at tigdas ang mga bata sa syudad.

Kahapon naging matagumpay ang DOH Supplemental Immunization Activity Kick-Off sa Brgy. 183 Villamor, Pasay City kung saan nasa 40 bata ang nabakunahan sa Chikiting Ligtas

Ito ay unang hakbang pa lamang sa isang buwang bakunahan sa syudad.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano, mahal ang bakuna sa pribadong klinica kaya’t maswerte sila sa Pasay. Dahil libre ang nasabing bakuna.

Malaki ang maitutulong ng bakuna para maging kampante ang mga magulang laban sa mga sakit.

Aabot sa 37,000 ang target bakunahan sa Chikiting Ligtas sa syudad.

Nasa 30,752 sa unang dalawang linggo, habang 7,689 sa natitirang 2 linggo.

Samantala, kabilang sa edad na maaring bakunahan ay 9-months hanggang 59 months para sa Measels-Rubella Vaccine habang new born to 59-months para sa Bivalent Oral Polio vaccine. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us