Halos 44k pulis, na-promote ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinida ng PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na umabot sa 43,909 ang mga pulis na na-promote ngayong taon.

Ayon sa PNP Chief, kasama dito ang police commissioned officers na may ranggong Tinyente hanggang Heneral, at mga non-commissioned officer mula Patrolman hanggang Master Sgt.

Paliwanag ng PNP Chief, ang pag-angat sa pwesto ng naturang mga pulis ay bahagi ng regular na promotion cycle na naka-base sa kanilang kwalipikasyon, performance at merit.

Matatandaang sa kanyang pag-upo sa pwesto, tiniyak ng PNP Chief na pangangalagaan niya ang morale ng mga pulis sa pamamagitan ng promosyon na naka-base sa paglalagay ng tamang tao sa tamang posisyon.

Samantala, panunumpain sa tungkulin ni Gen. Acorda ngayong hapon ang 607 na police commissioned officers na natanggap sa lateral entry program ng PNP, na magsisilbing line officers at technical service officers. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us