Aabot sa 559 transport workers ang nakibahagi sa matagumpay na ‘Kamustahan sa EDSA Busway Carousel,’ sa ilalim ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Dumalo sa pitong araw na Kamustahan sa EDSA Busway Carousel, ang Drivers and Conductors o DRICONS, pati na rin ang kani-kanilang bus operators kung saan tinalakay ang kanilang mga pang araw-araw na concerns, kuro-kuro at mga hinaing kung meron man.
Dito, nagbahagi rin ang mga Task Force Resource Person ng kanilang kaalaman hinggil sa batas trapiko partikular na sa tinatawag na bunching at bus dispatching gayundin ang mga best practice na inaasahang patuloy na iiral sa carousel.
Magpapatuloy ang Kamustahan sa EDSA Busway Carousel sa mga susunod na araw upang mapanatiling maayos at ligtas ang operasyon ng busway. | ulat ni Jaymark Dagala