Halos P3 bilyong halaga ng smuggled agri products, nakumpiska ng Bureau of Customs ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot ng halos P3 bilyong halaga ng mga smuggled agricultural product ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ngayong taon ayon sa ahensya.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Customs Intelligence Group Chief Richard Rebong, na sa taong ito o hanggang May 16, 2023 aabot sa P2.77 billion ang kabuuang halaga ng smuggled agricultural products na nakumpiska ng BOC sa mga pantalan.

Ayon kay Rebong, mga asukal at sibuyas ang pinakamarami nilang nakumpiska, sumunod ang carrots at mga halo-halong seafood at prutas.

Samantala, sinabi naman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na aabot sa P30 billion ang nawalang kita sa mga magsasaka nitong 2022 dahil sa smuggling.

Ayon kay SINAG Chairperson Rosendo So, pinakamalaki ang sa bigas na P10 billion, karne ng baboy at manok na P6 hanggang P7 billion, at sibuyas na P3 hanggang P4 billion. Naniniwala ang grupo na malaki ang responsibilidad ng mga taga BOC sa isyu, dahil sa posibleng sabwatan, at sa katotohanang hanggang ngayon wala pa ring naipapakulong o napapanagot sa batas laban sa anti-agricultural smuggling. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us