Aprubado ng budget department ang pagpapalabas ng 7.6 billion pesos Special Allotment Release Orders o SARO na siyang magpopondo sa pagpapatupad ng Targeted Cash Transfer Program ng DSWD.
Ayon Kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, nasa higit 7.5 milyong benepisyaryo ang makikinabang mula sa nasabing programa.
Ang 7.6 billion peso fund ani Pangandaman ay gagamitin para sa natitirang dalawang buwan ng TCT program ng DSWD.
Lalabas na 500 pesos kada buwan ang mabibigay ng programa sa mga benepisyaryo.
Kaugnay nito’y pinasalamatan naman ng kalihim si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr
sa mabilis na pag-apruba sa kanilang rekomendasyon para sa naturang special budget request ng DSWD.
Pinapakita lang aniya nito na prayoridad ng pangulo ang pagkalinga sa mga kababayan na nangangailangan. | ulat ni Alvin Baltazar