Higit 9k manggagawa, nakalibre ng sakay sa MRT3 ngayong araw ng paggawa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Libu-libong mga manggagawa na ang nakinabang sa libreng sakay na alok ng MRT-3 ngayong Labor Day.

Sa ulat ng MRT-3 ay umabot na sa 9,486 na mga manggagawa mula sa pribado at pampublikong sektor ang nakalibre ng pamasahe mula 7:00 a.m. hanggang kaninang 9:00 a.m.

Magpapatuloy naman ang libreng sakay sa tren mamayang 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m.

Kinakailangan lamang na ipresenta ng manggagawa ng company ID o government-issued ID sa security personnel sa service gate ng mga istasyon.

Ang libreng sakay ay tugon ng MRT-3 sa kahilingan ng Department of Labor and Employment para sa mga manggagawa bilang pagbibigay-pugay sa kanila ngayong Labor Day.

Samantala, patuloy namang pinaalalahanan ng MRT3 ang mga pasahero na sumunod sa health protocols laban sa COVID-19. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us