Hustisya sa pagpatay sa brodkaster sa Oriental Mindoro, tiniyak ng PRO MIMAROPA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Police Regional Office (PRO) Mimaropa Regional Director Police Brig. General Joel Doria na gagawin nila ang lahat para makamit ang hustisya sa pagpatay sa brodkaster na si Cresenciano Aldovino Bunduquin.

Ito’y kasunod ng pamamaril at pagpatay ng dalawang suspek sa brodkaster ng DWXR 101.7 Kalahi FM MUX Online Radio, kaninang 4:30 ng umaga sa tapat ng kanyang sari-sari store sa C5 road, Brgy. Sta. Isabel, Calapan, Oriental Mindoro.

Sa isang statement, sinabi ni Doria, na bumuo na ng Special Investigation Task Group sa pangunguna ni Oriental Mindoro Provincial Police Director Police Col. Samuel S. Delorino, para sa mabilis na pagresolba ng kaso.

Kasabay nito, nanawagan si Doria sa publiko na maaring may impormasyon tungkol sa insidente na makipagtulungan sa mga awtoridad.

Una na ring tiniyak ni PNP Public Information Office Chief Police Brig. Gen. Red Maranan na siya ring Focal Person ng Media Vanguards ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), na mahigpit na tutukan ng PNP ang progreso ng kaso. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us