Ilang batang inampon sa Gentle Hands, nakitaan ng ‘disruptive behavior’ ng NACC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng National Authority for Child Care (NACC) na may ilang kaso ng ‘disruptive behavior’ ang naiulat sa ilang mga batang naampon mula sa sa Gentle Hands Inc. (GHI).

Ayon kay NACC Executive Director Undersecretary Janella Ejercito Estrada, may tatlong disruption cases na silang nahawakan kaugnay ng mga batang naampon sa naturang orphanage.

Tinukoy nito ang kaso ng isang batang kinulong umano ang kanyang adoptive parent sa loob ng banyo at isa pang batang limang beses nanghabol ng saksak sa mga umampon sa kanya.

Ang isa pa aniyang kaso ay humantong na sa pagrereklamo ng adoptive parent sa US State Department at sa Hague Convention.

Ayon kay Usec. Janella, malinaw na indikasyon ang mga kasong ito na hindi handa “mentally, physically at emotionally” ang mga bata nang sila ay ipaampon sa labas ng bansa.

Kasunod naman nito ay iniutos na ni DSWD Sec. Gatchalian ang retooling ng mga programa at serbisyo sa kanilang mga center and residential care facilities (CRCFs) at pati na sa Social Welfare and Development Agencies (SWDAs)

“Usec Janella is pointing out that there seems to be a pattern of disruptive behavior for children who are being placed for adoption from this facility… We will look at the overall licensing issues of Gentle Hands and not just Gentle Hands,” pahayag ng DSWD chief. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us