Ilang manggagawa sa QC, umaasang mas tataas pa ang sahod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado ang ilang manggagawa sa Quezon City na hindi sapat para sa pangangailangan ng kanilang pamilya ang sinasahod.

Si Mang Leo na isang messenger, mas gustong pumasok kahit holiday dahil sayang din ang dagdag na sahod.

Minimum ang kita nito pero dahil sa taas ng presyo ng bilihin ngayon ay hindi raw ito nagkakasya.

Si Nanay Aileen na isang kasambahay, sinabing hirap din na i-budget ang sinusweldo para sa anim na anak.

Aniya, mabuti na lang at kasama sila sa benepisyaryo ng 4Ps ng DSWD na nakakatulong para makaraos sa araw-araw.

Si Jerome na isa namang construction worker, dinadaan sa pag-sideline ang diskarte para magkaroon ng dagdag na kita.

Umaasa naman ang mga manggagawang ito na muling magkaroon ng umento sa sahod.

Una nang sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bagong Executive Order para lumikha ng “new presidential body” na tutugon sa labor related cases. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us