Tanggap na sa trabaho ang dalawang aplikante sa Mega Job fair sa Robinsons Place Las Piñas.
Isang lalaki at isang babae ang unang naging HOTS o Hired On The Spot kaninang umaga.
Ayon sa DOLE, may 22 kumpanya ang nakilahok at aabot sa 1,800 ang alok na bakanteng trabaho sa Job Fair sa Robinsons Place, Las Piñas.
Umaasa ang Dole na marami pang mga job seeker ang makakakuha ng trabaho ngayong araw. | ulat ni Don King Zarate