Ilang tauhan ng PNP Special Action Force, balak nang ipasok sa PNP Drug Enforcement Group

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-aaralan na ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na i-deploy ang mga tauhan ng kanilang Special Action Force (SAF) sa PNP Drug Enforcement Group (PDEG).

Ito ayon kay PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. ay bilang bahagi ng paglilinis sa naturang yunit ng Pulisya, matapos ang sunod-sunod na kontrobersiyang kinaharap nito.

Sa panayam kay Acorda kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng SAF ngayong araw sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, sinabi ng PNP Chief, na sa tuwing magkakaroon ng usapin sa tiwala ang SAF ang unang sumasagi sa kaniyang isipan na ilagay dito.

Magugunita na sa panahon ni dating PNP Chief Guillermo Eleazar, naging katuwang ng Bureau of Corrections (BuCor) ang SAF sa pagsasaayos ng sistemang pang seguridad matapos malagay sa kontrobersiya ang pambansang piitan dahil sa iligal na droga.

Kaya naman kumpiyansa si Acorda, na masosolusyunan ang problema sa hanay ng PDEG kung maglalagay na rin ng mga tauhan ng SAF sa hanay nito, dahil na rin sa kanilang kasanayan at expertise pagdating sa disiplina. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us