Nagsagawa ng surprise inspection ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ilang vape shops sa Valenzuela upang suriin ang compliance ng mga ito sa Republic Act 11900 (Vape Law).
Bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng DTI laban sa bentahan ng unregulated vape products.
Kasama sa naginspeksyon sina DTI Usec. Ruth Castelo at Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian kung saan agad nakitaan ng paglabag sa batas ang tatlong vape shops.
Pinagkukumpiska ang ilang ibinebentang vape na may mga animation at makukulay ang packaging at mga flavor description na gaya ng strawberry, turon, cheesecake, honey butter na kaakit-akit sa mga menor de edad.
Dalawa sa vape shop ang agad na pinasara dahil bukod sa pagbebenta ng unregulated vape ay wala ring business permit.
Ang isa pang vape shop ay nasa likod lang din ng Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela na malinaw aniyang pambibiktima sa mga kabataan.
Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, bukod sa mga retailer, pupuntiryahin din nila ang mga manufacturer at online sellers na lumalabag sa vape law. | ulat ni Merry Ann Bastasa