Palalakasin ng National Economic and Development Authority ang productivity sa sektor ng agrikultura sa Mindanao bilang suporta sa food security agenda ng bansa.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, inaprubahan ng NEDA Board ngayong taon ang Mindanao Inclusive Agriculture Development Project na nagkakahalaga ng 6.6 billion pesos.
Isa aniya ito sa high-impact infrastructure projects na may layuning paigtingin ang katatagan ng agrikultura at market access para sa mga organisadong magsasaka at mangingisda sa mga piling ancestral domains sa Mindanao.
Giit ni Balisacan, upang matiyak ang matagumpay na implementasyon ay committed ang gobyerno na gamitin ang funding sources mula sa pre-project preparation hanggang sa approval at actual execution.
38 percent ng gross value ng bansa ay nasa agrikultura, pangingisda at forestry mula sa mga rehiyon sa Mindanao.
Nagpasalamat naman ang opisyal sa suporta ng development partners upang maisakatuparan ang transformation goals sa ekonomiya ng Mindanao. | Hajji Kaamiño