Ipinasara ng Department of Social Welfare and Development ang isang bahay ampunan sa Brgy. Bagumbuhay, Project 4, Quezon City.
Batay sa ulat, inisyuhan ng Cease-and-Desist Order ng DSWD ang Gentle Hands Inc. (GHI) dahil hindi ito nakasunod sa minimum standards para sa residential facilities para sa mga bata.
Paglabag umano ito sa Republic Act No. 7610 o mas kilala bilang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination.
Una nang nagsagawa ng surprised visit si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa private orphanage noong Sabado at nakumpirma nito ang natanggap na reklamo.
Dahil nakita ng kalihim na nasa imminent danger ang mga bata, nagpasiya ang DSWD na ilipat ang mga ito sa ligtas na kanlungan. | ulat ni Rey Ferrer