Susunod na tutukuyin ng Philippine National Police (PNP) ang mga junior officers na sangkot sa ilegal na droga.
Ito ang sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., matapos makumpleto ng 5-man advisory group ang pagsala sa mga 3rd Level officers ng PNP.
Ayon kay Acorda, hindi magtatapos sa mga matataas na opisyal ang paglilinis na gagawin ng PNP sa kanilang mga ka-barong may kaugnayan sa ilegal na droga.
Tiniyak ni Acorda, kung may mga junior Officers na matuklasang sangkot sa ilegal na droga, kakasuhan at sisibakin sa serbisyo ang mga ito.
Kaugnay naman ng imbestigasyon sa maanomalyang operasyon kung saan narekober ang 990 kilo ng shabu, sinabi ni Acorda na pagkukmparahin nila ang imbestigasyon ng Special Investigation Task Group 990 at ang fact-finding na ginagawa ng National Police Commission para kasuhan ang lahat ng matagpuang lumabag sa Police operational procedures. | ulat ni Leo Sarne