Kapakanan ng OFWs, naging sentro ng katatapos na bilateral talks ng Pilipinas at Kuwait

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa muling tiniyak ngayon ng Pilipinas at Kuwait ang matatag at makasaysayang relasyon nito nang magharap ang dalawang bansa para sa bilateral talks.

Ito’y matapos ang pakikipagpulong ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs o DFA, Department of Migrant Workers o DMW gayundin ng attached agency nito na Overseas Workers’ Welfare Administration o OWWA sa Ministry of Foreign Affairs ng Kuwait.

Dito, sumentro ang talakayan sa pangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino matapos suspindehin ng Kuwaiti Government ang pag-iisyu ng working visa sa mga ito.

Tiniyak din ng Pilipinas na igagalang nito ang batas ng Kuwait at kinikilala rin nito ang pagtanggap ng nasabing bansa sa 200,000 Pilipino na itinuturing na iyong ikalawang tahanan.

Habang hinihintay pa ng Pilipinas ang pagbawi ng Kuwait sa suspensyon ng pag-iisyu ng working visa sa mga manggagawang Pilipino, tiniyak naman ng Pilipinas ang pagbibigay tulong nito sa pamilya ng mga apektadong OFW. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us