Sa kauna-unahang pagkakataon, isinagawa ang International AIDS Candlelight Memorial sa Quezon City Jail Male Dormitory.
Sa temang “Spread Love and Solidarity, Not Stigma and Fear”, layunin ng aktibidad na maunawaan ng komunidad kabilang ang persons deprived of liberty (PDLs) ang kahalagahan ng tamang impormasyon pagdating sa HIV Prevention, kabilang ang paglaban sa takot at stigma.
Kasabay ding isinagawa, sa nasabing pasilidad ang Voluntary Counselling and Testing (VCT) sa 200 indibidwal.
Pursigido ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon, na gumawa ng mga programa sa mithiin na makamit ang #ZeroHIVat2030.
Sa paggunita ng International AIDS Candlelight Memorial 2023, ang Quezon City LGU ay nakikiisa sa pag-alala sa mga namayapa dahil sa sakit na AIDS.
Ito rin ay pagbibigay pugay sa mga patuloy na lumalaban sa HIV at AIDS. | ulat ni Rey Ferrer