Magsisimula na ang pagtatayo ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Cordillera Administrative Region.
Ito ay matapos ang isinagawang groundbreaking ceremony para sa pormal na paglarga ng flagship housing program sa rehiyon.
Sa ilalim nito, itatayo ang 6.4 ektarya ng isang township development sa Brgy. Poblacion, Tuba, Benguet.
Pinangunahan nina DHSUD Undersecretary Wilfredo Mallari, Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Tuba Mayor Clarita Sal-ongan at Itogon Mayor Bernard Waclin ang isinagawang groundbreaking ceremony.
Sa isa namang pahayag, sinabi ni DHSUD Sec. Acuzar na umaasa itong maisusulong ng
model urban development ang isang sustainable at progressive housing community.
“As an advocate of striking a balance between progress and cultural preservation, I see this housing project to hopefully serve as a testament that we can achieve both, particularly in providing shelters for our brothers and sisters in the Cordillera,” saad ni Secretary Acuzar.
Sa kasalukuyan, aabot na sa 143 na mga lokal na pamahalaan na ang nakiisa na sa pambansang pabahay program ni Pangulong Marcos. | ulat ni Merry Ann Bastasa
:OCD-CAR