Lakas-CMD, patuloy ang suporta sa liderato ni Pres. Marcos Jr. at House Speaker Romualdez — Sen. Revilla

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang patuloy na nagkakaisang suporta ng partidong Lakas-CMD sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Revilla, ang Lakas-CMD ang dominant political party ng Pilipinas at nananatili silang nagkakaisa sa ilalim ng pamumuno ng kanilang Party President na si House Speaker Martin Romualdez.

Si Revilla ay tumatayong co-chairman ng Lakas-CMD.

Ang pahayag na ito ay kasunod ng naging isyu na idinulot ng pagpapalit kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior deputy speaker.

Sinabi ng Revilla na ang dekada nang pagkakaisa ng partido ay pinagtibay at pinagbigkis ng pagsasama at pag-uunawaang hinubog at pinanday na ng panahon.

Sa kabila aniya ng mga pagsubok ay mas lumalakas pa ang kanilang partido. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us