LGUs sa NCR, naghahanda na sa pagpasok ng bagyong Betty sa PAR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghahanda na ang mga Local Government Units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) sa pagpasok ng bagyong Betty sa ating bansa sa mga susunod na araw.

Ilan sa mga local government na naghahanda na ang lungsod ng Pasig kung saan nitong Lunes ay nagkaroon na ng assesment ang kanilang City Disaster Risk Redcution and Management Council na pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Sa lungsod naman ng San Juan kagabi ay nagkaroon na ng pagpupulong na pinangunahan ni Mayor Francis Zamora upang maging handa and kanilang lungsod sa bagyong Betty.

Sa Marikina naman na isa sa laging tinatamaan ng pagbaha sa NCR ay inihahanda na rin ang kanilang mga kababayan sa pgpasok ng panahon ng tag-ulan sa ating bansa.

Gayundin ang lungsod ng Malabon ay pinulong na ni Mayor Jeennie Sandoval ang kanyang Disaster Response Team upang maging handa na rin sa mga malalakas na pag-ulan ng bagyong Betty sa Pilipinas.

Kaunay nito ay magkakaroon ng pagpupulong ngayong umaga ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa posibleng epekto ng bagyong Betty sa pagpasok nito sa ating bansa sa susunod na araw. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us