Mahigit 2,000 trabaho at libreng dokumento, tampok sa Pasig City Job Fair

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa mahigit 200 aplikante ang pumila sa job fair at one-stop shop ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig, ngayong araw.

Nasa 33 kumpanya ang lumahok sa job fair para sa first-time jobseekers kabilang ang Philippine Army at Bureau of Jail Management and Penology.

Ayon sa Public Employment Service Office (PESO) Manager na si Jelene Sison-Lopez, hindi pangkaraniwan ang job fair na ito dahil may alok na libreng serbisyo ang mga ahensya ng gobyerno para sa documentary requirements ng mga aplikante.

Kasama sa participants ang SSS, Pag-IBIG, NBI at Philippine Statistics Authority.

Wala pang isang oras ay mayroon na agad idineklarang “HOTS” o hired on-the-spot.

Kabilang sa mga agad natanggap sa trabaho ay ang senior high school graduates na sina AJ Racaza, Corinne Aguilar at Maricar Magtulis na excited nang magsimula sa tatahaking daan tungo sa pag-abot ng kanilang pangarap.

Hindi rin inasahan ng 23 taong gulang na si Yorica Gafud na matatanggap agad sila sa trabaho ng kaibigang si King James Reyes.

Tatanggap ng aplikante ang mga kumpanya sa Tanghalang Pasigueño hanggang 4:00 ng hapon. | ulat ni Hajji Pantua Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us