Mahigit 430 barangay officials, may kaugnayan sa ilegal na droga ayon sa PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinunyag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na aktibong mino-monitor ngayon ng PNP ang mahigit 430 opisyal ng barangay na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Ito ang sinabi ng PNP Chief sa isang ambush interview, matapos dumalo sa BIDA Workplace Program ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Quezon City. 

Ayon kay Gen. Acorda, base sa hawak na intelligence information ng PNP, iba’t iba ang partisipasyon ng mga naturang barangay official sa kalakalan ng ilegal na droga.

Ang ilan aniya sa mga ito ay direktang sangkot sa pagtutulak ng droga, habang ang iba naman ay mga financier o kaya ay protektor.

Pinakamarami aniya sa mga ito ay sa Region 6, at mayroon din sa National Capital Regional (NCR).

Una na ring inihayag ng PNP, na ang pinalakas na intelligence monitoring sa mga opisyal ng barangay na sangkot sa ilegal na droga ay bahagi ng pagtiyak ng seguridad sa darating na Barangay at Sanggunian Kabataan Elections sa Oktubre 30. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us