Bumababa na ang bilang ng mga Persons Deprived of Liberty na nakakulong sa Quezon City Jail Male Dormitory.
Ayon kay Jail Warden Jail Supt Michelle Ng Bonto, bunga ito ng pinalakas na decongestion program sa jail facility.
Isa sa mga basehan ng pagpapalaya ang pagsunod sa Supreme Court Office of the Court Administrator’s (OCA) Circular 201-2022.
Nakasaad sa OCA Circular, kapag nakakumpleto na ng kanilang sentensiya ang isang PDL at walang ibang legal na dahilan para sa pagkakakulong ay dapat na makalaya kaagad mula sa piitan.
Mula Enero hanggang Abril 25, 2023, umabot na sa 668 PDL ang napalaya na may daily average na 15 PDL kada araw.
Kung dati ay nasa 3,800 ang bilang ng mga PDL sa pasilidad, ngayon ay bumaba na lang sa 3,400 hanggang 3,500 kada buwan. | ulat ni Rey Ferrer