Mambabatas, nais manatili bilang agriculture chief si PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas nais ni House Committee on Agriculture and Food Chair Wilfrido Mark Enverga na manatili bilang tagapamuno ng Department of Agriculture si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon sa mambabatas, ngayon lang kasi sa pamumuno ni PBBM natutukan at naungkat ang problema ng kartel sa sibuyas.

Naniniwala din si Enverga na kung sasabayan ito ng pagpapatupad ng mga reporma ay tiyak na mas magiging maganda ang patakbo sa kagawaran.

“I would prefer still…the president to stay as secretary. Malaking bagay po kasi ngayon, these are problems na hindi lang naman lang ngayon nangyayari. Matagal naman na po itong mga problema. Ngayon lang natin nauungkat at nakikita yung mga weaknesses ng agency. With this issue, I think, because of the lack of data, nami-misinform ang ating pangulo dito. We hope our people in DA will step up their game also na dapat proactive sila na ina-update ng tama ang ating pangulo. So it’s just a matter of that. So if we put in the reforms, tatakbo tayo ng mas maganda.” saad ni Enverga

Ganito rin ang paniwala ni Marikina Rep. Stella Quimbo.

Ayon sa economist-solon, hindi sila pupukpukin at susuportahan ni House Speaker Martin Romualdez na tutukan ang onion issue kung wala rin naman itong basbas at suporta mula mismo sa president.

Aminado ang lady solon na sa siyam na hearing na ikinasa ng komite ay talagang nahirapan sila ngunit dahil sa suporta ng liderato ay natunton din nila ang lawak at lalim ng modus ni “Sibuyas Queen” Leah Cruz sa naturang cartel.

“Ako feeling ko ngayong lang talaga natin nalagyan ng handle itong problemang ito. Hindi tayo aabot sa ganitong punto kung hindi dahil sa suporta ng president through Speaker Martin…’ at hindi naman gagawin yun ni speaker without the directive of the president so mismong si president ang may gustong matuldukan na ang decades long problem of cartelized agriculture markets. So kung effective tayo dito, that’s because of effective leadership.” ani Quimbo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us