Nakatakdang simulan ngayong araw ang ikaapat na taon ng “MANI-LAbor Day: Buhay at Kabuhayan tungo sa Maringal na Maynila.”
Ito ang selebrasyon ng pamahalaang lugnsod ng Maynila bilang pagdiriwang sa Araw ng Paggawa sa Mayo uno.
Ayon sa MANILA LGU, aabot sa 100 employers ang lalahok sa naturang aktibidad, kung saan nasa 15,000 na bakanteng trabaho ang nakaantabay para sa mga aplikanteng high school graduates, nasa college level, at mga graduate ng kolehiyo, at technical/vocational courses.
Ang naturang job fair ng lungsod ay gagawin sa San Andres Sports Complex, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Kabilang sa mga makikibahagi sa naturang aktibidad ay ang:
- Manila Police District (Police Clearance)
- Social Security System
- PhilHealth
- Pag-IBIG Fund
- Bureau of Internal Revenue
Paalala ng pamahalaang lungsod sa mga aplikante, magsuot ng “casual” na damit, magdala ng 20 o higit pang bilang ng resume, sariling ballpen at higit sa lahat ay patuloy na sumunod sa public health standards upang maiwasan ang COVID-19 at iba pang sakit. | ulat ni Lorenz Tanjoco