Manila LGU, handa nang makiisa sa Chikiting Ligtas Immunization Program ng DOH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ready na ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa inilunsad na Chikiting Ligtas Immunization Program ng Department of Health (DOH) mula ngayong araw hanggang May 31, 2023.

Sa abiso ng Manila LGU, isasagawa ang pagbabakuna sa 44 na health centers sa Maynila.

Ito’y para mabakunahan ang mga batang wala pang limang taong gulang laban sa Tigdas, Rubella, at Polio.

Bukod sa health centers, maaari rin magtungo sa Robinsons Otis, Robinsons Manila, Lucky Chinatown, at SM San Lazaro mula Lunes hanggang Linggo, mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon ang mga magulang para maturukan ng bakuna ang kanilang mga anak.

Lunes hanggang Biyernes naman maaaring magpabakuna ang mga bata sa SM Manila sa parehong oras.

Nabatid na napagdesisyunan ng lokal na pamahalaan ng Maynila na isagawa rin ang Chikiting Ligtas immunization program sa mga mall upang maging convenient ito sa mga bata partikular sa mga sanggol lalo na’t mainit ang lagay ng panahon.

Kaugnay nito, hinihimok ng Manila Health Department ang mga magulang na samantalahin na ang pagkakataon na maturukan ng bakuna ang kanilang mga anak upang maging ligtas sa Tigdas, Rubella, at Polio. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us