Marikina LGU, naghahanda na para sa 2023 Palarong Pambansa sa darating na Hulyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaghahandaan na ng Marikina City LGU ang pagho-host nito ngayong taon sa 2023 Palarong Pambansa na gaganapin sa darating na Hulyo.

Sa naturang paghahanda, personal na tumungo si Marikina City Mayor Marcy Teodoro upang makita ang kasalukuyang preparasyon ng Marikina High School dahil isa ang naturang paaralan sa ‘billeting school’ sa gaganaping palarong pambansa.

Kaugnay nito, nagsagawa ng simulation exercise ang naturang lungsod mula sa pagtanggap ng mga kalahok na paaralan hangang sa mismong mga pasilidad na gagamitin sa nasabing palaro.

Samantala, nagbigay naman ng mensahe si Mayor Teodoro sa mga komite ng naturang palaro na gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang maging maayos, makabuluhan, at hindi malilimutan ang magiging karanasan ng mga bisita sa kanilang pananatili sa Lungsod ng Marikina.| ulat ni Arrian Jeff Ignacio

📸: Marikina PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us