Marksmanship training sa mga Pulis, gagamitan ng makabagong teknolohiya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Gagamit ng makabagong teknolohiya ang Philippine National Police (PNP) para sa “Marksmanship Training” o ang tamang paggamit ng baril ng mga Pulis.

Ito ang inihayag ni PNP Training Service Director, Police Colonel Radel Ramos, makaraang ipakita sa media kanina ang kanilang gun simulator na nagbuhat pa sa Amerika.

Paliwanag niya, sa paggamit ng gun simulator mas mahahasa ang kakayahan ng mga pulis sa paggamit ng baril at makatitipid ng pondo rito ang PNP sa pagbili ng bala.

Aniya, mas magiging madali ang paggamit nito lalo pa at taon-taon sumasalang ang mga pulis sa “proficiency test.”

Sa gun simulator, nabibigyan ng “realistic scenario” ang mga pulis na bumabaril na halos kapareho lang din sa firing range.

Bagaman, totoong baril ang kanilang ginagamit wala itong bala at sa halip ay kinakabitan lamang ng laser para sa pag-asinta sa virtual target.

Aabot sa P6 milyong ang ginastos ng PNP Training Service para sa nasabing kagamitan, na kasalukuyan pa lamang nasa Kampo Crame subalit balak nang gawin din ito sa iba pang mga kampo sa bansa. | ulat ni Leo Sarne

((?: PNP-PIO))

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us